Friday, September 26, 2014

Ganyan Ang Pinoy!

Isa't isa'y may iba't ibang dalangin
Sa mga gusto at ayaw natin
Marami nga tayong pagkakaiba
Ngunit sa oras na kailangan ay nagkakaisa
'Pagkat iba tayo
Patuloy na pagyamanin ito

Kahit sa hirap ay kaya pa natin magsaya
Magkakaramay, isa tayong pamilya
Tibay ng loob ang puhunan
Dahil ang buhay natin ay tuloy-tuloy ang laban
'Pagkat iba tayo
Hindi tayo matitibag ng pagsubok




Ganyan ang pinoy
Kahit anong tindi ng hamon
Sama-sama tayong babangon
Ito ang sikreto na atin ay laging baon
Na sa mundo ay ibabahagi na ngayon
Pinoy ako, Pinoy tayo

Hindi uso sa atin ang bitin
Kung hindi ka tunay ay hindi ka IN
Ilabas na ang pagkatao mo
Ipakita ang magagawa mo
'Pagkat iba tayo
Talagang maipagmamalaki natin 'to





Subukan na ang iyong sarili
Iwasang tumunganga diyan sa isang tabi
Marahil 'di sapat ang makisama
Kaya itodo mo na ang 'yong magagawa
At ang Dios na ang bahalang magpasya

Ganyan ang pinoy
Kahit anong tindi ng hamon
Sama-sama tayong babangon
Ito ang sikreto na atin ay laging baon
Na sa mundo ay ibabahagi na ngayon
Pinoy ako, Pinoy tayo
Ganyan ang pinoy
Ganyan ang pinoy
Ganyan ang Pinoy!




Hi! Check my recoded songs at https://soundcloud.com/alelnar

No comments:

Post a Comment